Mga Pananaw ni Eba Tungkol sa Pag-ibig
Mar 28, 2021
first-story
Ang umibig at ibigin ay parte ng ating buhay. Lahat ay nakakaranas nito. Masarap magmahal ngunit ihanda ang sarili na masaktan at masugatan. Sapagkat ito ay parang isang sugal. Minsan masaya, minsan malungkot at minsan din ay nakakaloka.
Narito ang aking opinyon na sa tingin ko ay makakatulong sa mga kababaihan na mga single.
Long Relationship:
Sa mga naghahanap ng right partner nila, mas mainam na magsimula kayo sa pagiging magkaibigan. Mas lumilitaw ang tunay na pagkatao ni guy sa ganitong pagkakataon. Mas nakikita ninyo ang kaniyang mga kahinaan at kalakasan. Tanggap niyo ba ang mga bagay na ito sa kaniya?Compatible ba kayo? Parehas ba kayo ng paniniwala sa buhay?
Wala kasing perpektong lalake sa mundo. At wala rin knight and shining armor na magbibigay sa atin lahat ng mga pangangailangan natin. Pero may Mr. Right na susuportahan tayo sa mga desisiyon at mga pangarap natin sa buhay.
Huwag Umasa:
Kadalasan, ang mga babae ang nakakaranas nito. Sila yung madalas umaasa kapag may mga paramdam si guy,pero wala naman sinasabi. Ang mas masakit ay may gusto si girl kay guy, at patuloy na umaasa si girl na baka sakali dumating ang panahon na mapansin din siya. Kaya ladies, don't assume unless stated. Hayaan niyo si guy ang magsabi nang kanyang nararamdaman. At huwag na huwag niyo siyang pangungunahan.
Gawaing-Bahay:
Bago lumaga'y sa tahimik, dapat marunong kayo sa gawaing-bahay. Maganda sa pakiramdam ang bahay na tinutuluyan na malinis at maayos. Kapag kayo ay nagsama, dapat lamang na nakabukod kayo. Malayo kayo dapat sa inyong mga magulang, para maiwasan ang umasa. Ang paglalaba, pagluluto, paglilinis, pamamalengke ay mga bagay na dapat itinuturo sa atin ng mga magulang natin nung tayo ay mga bata pa lamang. Ito ang huhubog ng ating pagkatao at magiging sandata natin kapag tayo ay nagsipag-asawa na.
Walang perpektong pagsasama sa isang relasyon. Normal ang magkaroon nang alitan. Ngunit ang mahalaga ay naranasan natin ang magmahal at masaktan. Sapagkat ang mga bagay na ito ang siyang bubuo at magpapakatatag ng ating pagkatao.
- Positive Masculinity
- First Story
- South and Central Asia
